MGA TIPS SA PAGGAMIT NG DIGIPAY APP

Thumbs Up Kapag Early Top-Up

Wag kalimutang mag-top-up before the weekend. Siguraduhing laging may laman ang Digipay wallet para tuloy-tuloy ang pagtransact ng bills payment, e-load, e-pins, pera padala, at microinsurance. Dahil “first in, first out” ang bagong top-up feature, iwasan ang last minute top-up para may oras kapa habang pina-process ang iyong deposit confirmation at para hindi tumigil ang iyong business sakaling maubusan ka ng Digipay credits.

Transaction Error No More

Wala ka ng oras na masasayang sa maling pagtransact. Tandaan na dapat laging updated ang iyong app at may malakas na internet connection sa iyong lugar para maiwasan ang ‘transaction error’. Tignan sa ibaba ang ilan pang tips sa pagtransact:

  • Kumpletuhin ang mga ilalagay na detalye sa bawat transaction fields
  • Ang area code ay dapat two digits lang (PLDT). Halimbawa: Ang Cebu area code ay 032. Ang dapat ilagay sa Digipay app ay 32 lang.
  • May ibang electric company billers na nagre-require ng maximum of 30 characters sa paglagay ng ‘name’ at ‘surname’. Dapat ay wala ring special characters na kasama sa pangalan
  • Siguraduhing exact amount ng babayaran ang ilalagay sa bawat transaction

Sure ang Live Chat Support

May tanong ka ba tungkol sa Digipay? Masasagot agad yan ng aming Sales Support Team dahil may live chat support ang iyong Digipay app mula Lunes hanggang Sabado (9AM-6PM). Kami na mismo ang magpaliwanag sa’yo ng mga dapat mong malaman tungkol sa paggamit ng Digipay app at hindi mo na kailangang maghintay o magtanong sa kapwa agent mo. Ang dali ‘di ba?

Belong Ka Sa Digipay Agent Group

Maging alert sa lahat ng app o promo updates at mag-join na ng ‘DIGIPAY Agent Group’ sa Facebook. Dito mo makikita ang lahat ng mga announcement na para lamang sa mga Digipay agents. May system maintenance alerts din kaya malalaman mo kung kailan at anong oras hindi maaaring magtransact. Kung hindi ka pa member ng group, i-search lang ang name na ‘DIGIPAY Agent Group’ at i-click ang ‘Join’.